Dear Sir
Ma’am Soon-To-Be Mayor, Vice Mayor, Councilor, Congressman, Governor, Vice
Governor, Senator,
Hello po! Ako po ay isang simpleng mamamayan sa bansang
‘Pinas. Hindi po ako representative ng kahit anong union at grupo ng mga
kabataang aktibista sa mga lansangan. Isa lang po akong mamamayang Pilipino.
Madaming tanong at madaming hiling. Gusto ko nga pong i-print itong sulat ko at
ipaanod hanggang sa Malacañang, kaso baka hindi din makaabot at maisama pa sa
mga basurang lumulutang sa ilog.
Una po sa lahat, pagkatapos po ng matamang pag-iisip sa
not-so-offensive na intro, gusto ko pong malaman niyo na sino po ba ang di
mawawalan ng pag-asa? Sa bawat eleksyon na dumaraan, pabanguhan na lang ng
sariling pangalan at pilit na pinapalabas ang mabahong amoy na taglay ng
kalaban. Ang pulitika ay isang maduming larangan, magulo, masalimuot, minsan
akala mo personal interest, yun pala, public service, akala mo public service,
yun pala personal interest na.
Sino po ba ang may gusto nang magulong pamahalaan? Wala.
Wala namang gustong maguluhan eh. Pero tama nga sila, nagsisimula ang magulong
pamahalaan sa magulong halalan. Mula sa pagpa-file sa COC hanggang sa campaign
period hanggang sa mismong halalan, sa bawat sulok at anggulo, laging
binabatikos ng magkabilang partido.
May tanong po ako noong wala pa po ako sa tamang edad para
bumoto, bakit kaya di na lang magtulungan ang mga kandidato sa pagpapaunlad ng
bansa? Bakit kailangan pa nila mag-away, magpatayan, magsiraan, gumastos ng
napakalaki para lang sa isang pwesto na hindi naman panghabang buhay. Ako din
pala ang makakasagot ng sarili kong tanong e, kailangan nila mag-away,
magpatayan, magsiraan at gumastos ng malaki para sa lang sa isang pwesto na
hindi naman panghabang buhay pero pwedeng magbigay ng kakaibang karangyaan at
yaman na kayang kaya ibigay ng tatlo hanggang anim na taong “panunungkulan.”
Pulitiko—Para sa mga bata, sila yung mga nagbabahay bahay at
namimigay ng pamaypay, kendi, grocery, kapirasong papel na may pangalan nila at
picture na may nakaipit na bente, singkwenta, isandaan at minsan mas higit pa,
sila din yung may maingay na sasakyan na naglilibot sa kalsada, at kung ano ano
ang gusto ipahatid sa pamamagitan ng mga jingle. Sila din yung mapapanood sa
t.v, may kasamang bigating artista, minsan naman, ang kasama nila si P-noy.
Pulitiko—Para sa mga teenagers, sila yung mga nagbabahay
bahay at namimigay ng pamaypay, kendi, grocery, kapirasong papel na may pangalan
nila at picture na may nakaipit na
bente, singkwenta, isandaan at minsan mas higit pa, sila din yung may maingay
na sasakyan na naglilibot sa kalsada, at kung ano ano ang gusto ipahatid sa
pamamagitan ng mga jingle. Sila din yung mapapanood sa t.v, may kasamang
bigating artista, minsan naman, ang kasama nila si P-noy. Minsan, nakokornihan
sa mga commercial ng mga pulitiko, lalo na yung ang galang masyado, porke’t
magalang yung apelyido. Marunong na kumilatis kung ano ba yung papogi lang at
yung may ibubuga din. Minsan nala-last song syndrome sa mga jingle na paulit
ulit.
Pulitiko—Para sa mga matatanda na, sila yung mga nagbabahay
bahay at namimigay ng pamaypay, kendi, grocery, kapirasong papel na may
pangalan nila at picture na may nakaipit na bente, singkwenta, isandaan at
minsan mas higit pa, sila din yung may maingay na sasakyan na naglilibot sa
kalsada, at kung ano ano ang gusto ipahatid sa pamamagitan ng mga jingle. Sila
din yung mapapanood sa t.v, may kasamang bigating artista, minsan naman, ang
kasama nila si P-noy. Minsan, nakokornihan sa mga commercial ng mga pulitiko,
lalo na yung ang galang masyado, porke’t magalang yung apelyido. Marunong na
kumilatis kung ano ba yung papogi lang at yung may ibubuga din. Minsan
nala-last song syndrome sa mga jingle na paulit ulit. May kakayahan na iboto ang
mga karapat dapat sa nasabing pwesto. Maaring ibenta ang kalayaan sa pagboto.
Maaring masilaw sa pangakong maaring hindi matupad. Pwedeng makinig at hindi sa
mga pulitiko at sa mga news anchor at sa mga comedian na may concert sa
Araneta, na tumutulong o maaring hindi sa pamamagitan ng mga
tips/parinig/direktang pagtuligsa. Minsan napapakinggan at napapanood ng mga
bata at teenagers kung paano nila, purihin, libakin o murahin ang iba’t ibang
pulitiko.
Iba’t iba po ang tingin namin sa inyo, alam niyo po naman
yata yun. Sa general na pagtingin, negative po talaga ang tingin namin sa inyo.
Alam po namin na may maganda po kayong intensiyon, pero ang tanong lagi bang
maganda ang intensiyon niyo, o kaya lang nagmumukhang maganda ang hangarin niyo
ay dahil parang pa-kunswelo de bobo niyo na lang po sa amin ang binasag at
sinirang maayos na kalsada para kunwari inaayos. Sorry po. Di niyo naman po
kami masisisi. Palit po tayo ng kalagayan. Para malaman niyo po.
Hindi pa po ako nakaligo sa dagat ng basura o nakakita ng
zombie na bumuboto o kaya ay nag-“po” ng nag-“po” kahit naman di na kelangan,
pero ang sarap nga po talagang mambato ng buko sa mga walang kwentang pulitiko
at makita si Bossing na nag-gi-gitara. Pero isa lang po ang hiling ko, sana po
sa nalalapit na halalan, at manalo kayo, makita na po kami ng pagbabago kahit konti lang. Kahit na
ang paghiling na ito ay ang pag-asang makakita ng tooth fairy o mabigyan ng
regalo ni Santa Clause.
Eto na naman po tayo, nasa finish line na ng pagpili kung
sino ba ang karapat dapat or may mga ibang di rin karapat dapat kaso nahalal pa
din, at pu-pwesto na naman sa likod ng linyang may nakasulat na “Start” at may
ilang taon na naman nating dadamhin ang umaatikabong ___________________. (Pumili ng karapatdapat na ilagay para sa
puwang: kurapsyon ng mga re-elected at new elected epal sa gobyerno, pagbabago
sa pamahalaan at pagtupad ng kanilang mga plataporma at pangako, kahirapan na
bonggang bongga plus 10 x 100, or pagsakop ng alien dahil sa natuwa sila sa
ating mga ‘Pinoy dahil napakadali nating mauto at di na tayo nadala kaya
applicable na applicable tayong maging alipin ng mga extra terrestrial na
madaming mata at kamay.)
Ngayon at nasa tamang edad na para bomoto, maaring maging
malaking diperensya ang boto ko. Hindi pala. Malaking diperensya talaga. Kaya
sir, ma’am, goodluck po! Sa amin po nakasalalay ang future nyo, maaring
maghirap kayo dahil sa amin, pero malamang, mapanalo man namin kayo o hindi,
malaki ang posibilidad na di pa din magbago kung ano ang kalagayan naming
ngayon at sa susunod na eleksyon. After 3 years, maririnig ulit namin kung ano
yung mga sinasabi niyo sa TV, flyers, leaflets. Malamang.
Ma’am, sir, naisip ko lang, para pa lang tayong mag-asawa,
pinili kita, kasi nagtiwala ako sa’yo, naniwala sa mababangong pangako mo,
bibigyan mo ko ng magandang buhay at mapayapang pamumuhay, kaso, nawalan ka ng
panahon sa akin, nanlamig ka at inuna ang mga personal na kaligayahan at
pangarap na ang sabi mo, noong nililigawan mo ‘ko ay ang mapaglingkuran ako ang
siyang makakapagpasaya sa’yo. Kaya kahit na gusto kong kumalas na sa’yo, ay
wala akong magagawa dahil sa’yo na nakadepende ang kinabukasan ko. Isang
maamong kuneho na nag-evolve sa nakakatakot na buwaya after ng eleksyon.
Ganoon ka ba? Hindi? Weh? Sige na nga, apir!
Lubos na umaasa,
Noypi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento