Things gone so fast in terms of kids nowadays. Maybe because of the modern high technology or it's just the fast advancement of the critic minds of youths that leads them to what's trending now... Early parenthood.
Deciding to be a parent or being unaware that what you did can make you an instant parent is not just a piece of cake. Hindi siya yung tipong pwede pa bawiin. Hindi mo pwedeng sabihin na, "Teka, teka, joke lang, wala pang five minutes!"
I can describe generations today as cute, adventurous, curious, liberated, confused, and irresponsible.
Kids, why rushing so much? Pag nagmamadali, madali lang madapa. Once na nadapa ka sa kasong 'to, walang pwedeng tumulong sa'yo..
I just want to remind you some questions that you usually forgets when your in the middle of some erotic exchange of physical desire.
What do I mean with the word safe? Is it safe to do this, that I won't be pregnant, or in any case, due to increasing numbers of infected people with STD, HIV, aids, is it safe?
Kids, why rushing so much? Pag nagmamadali, madali lang madapa. Once na nadapa ka sa kasong 'to, walang pwedeng tumulong sa'yo..
I just want to remind you some questions that you usually forgets when your in the middle of some erotic exchange of physical desire.
- Safe ba ito?
What do I mean with the word safe? Is it safe to do this, that I won't be pregnant, or in any case, due to increasing numbers of infected people with STD, HIV, aids, is it safe?
- Ready na ba 'ko?
OO, ready ka ba? Saan? Pag nagkamali ka, at magiging Anghelito: Ang Batang Ama o Anghelita: Ang Batang Ina? Hindi biro ang magtaguyod ng sariling pamilya, magulang mo nga, hirap na hirap na sa'yo e. Ikaw pa kaya na wala pa sa tamang edad para magtrabaho. Handa ka na bang magbanat ng bones para sa asawa mo na kasing edad mo din, ni pagsasaing hindi alam?
- Paano na ang mga friends ko?
OO nga, paano na sila? For sure, makakalimutan mo ang salitang DOTA, Heroes of Newerth, CounterStrike kahit tetris, Facebook at Twitter dahil super busy ka na, di mo na maa-afford pumunta sa netshop o kaya humarap man lang sa computer nyo.
Mauuna kang tatanda kesa sa mga friends mo. Kasi ikaw, nagtratrabaho na, sila ineenjoy pa lang ang kasiyahan na makukuha mo lang sa eskwelahan.
Siguro nga, friends ka pa din nila, pero iba na, sila gumigimik, uma-attend ng Prom o simpleng tambay lang sa labas at nagtatawanan, samantalang ikaw, na committed na sa pagiging ama/ina, andoon, nagpapalit ng lampin ng baby mong purga na sa am (sabaw ng sinaing.)
- Ako na naman siguro ang magiging headline sa buong baryo?
Malamang sa malamang, oo. Alam mo naman ang mga chismosa, konting unga lang ng anak mo, sobrang reactive na yang mga yan.
Tsismosa1: Ay, ayan si Nene, di marunong mag-alaga ng bata, mamatay matay yung anak niya sa kakaiyak! Lalandi kasi! Ayan tuloy!
Tsismosa2: E, paano ba naman kasi? Hindi magiging ganyan yan kung hindi pabaya ang magulang. Paano, trabaho ng trabaho, di nababantayan ang anak.
Tsismosa3: Oo nga e, naku! Kawawa ang magulang niyan, dapat diyan hindi tinutularan! Kaya nga yung mga anak ko, hindi ko hinahayaang makipaglaro sa mga kapatid nya, baka mana din sa ate, at kung ano ano pa ang ituro sa kanila.
Kung wala kang pakialam sarili mong kahihiyan, sana isipin mo na lang yung mga kapatid at magulang mo na hindi din naman hinihiling na madisgrasya ka.
- Huli sa lahat, deserve ba ito ng nanay at tatay mo?
Hindi syempre! After nilang itaguyod ka sa pag-aaral. Na halos magpawis na ang tatay mo sa Saudi ng gasolina at ang nanay mong nagkakada-kuba na sa mga labada ng amo niya. Sobrang hindi nila deserve na masaktan ng sobra. Pero kahit iyakan ka nila, andyan na e. Sa ayaw man nila o hindi, kailangan ka nilang tulungan.
Wag mong idahilan sa'ken na kaya ka nagkagan'to dahil nagrebelde ka dahil sa pinipigilan nila ang mga layaw mo. Para kanino ba yung ginagawa nila? Na-grounded ka lang ng isang linggo, feeling mo, kinakawawa ka na. Pinaglinis ka lang ng bahay, feeling mo, pasan mo na buong mundo? Pinaghugas ka lang ng plato, feeling mo, inaalila ka na? Pwes, isa kang batang walang bait sa sarili!
Alam mo, hindi lang naman ang pangarap at kinabukasan mo ang masisira pag nag-asawa ka ng maaga ng di inaasahan e, pati pangarap ng magulang mo, mawawasak. Kasi inasahan ka nila, na ikaw ang pinaka makakatulong sa kanila sa kahirapan. Hindi ba?
Kiddo, just take it slow. Wag ka magmadali, wala namang deadline e, mag-enjoy ka muna.
Why don't you consider 5-10 years before planning your dream family. Baka nga sa limang taon na yun maisip mo na ang hirap pala ng may asawa, at di mo muna balakin na mag-take risk dahil sa hirap ng buhay.
Mahirap maging magulang, kaya saludo ako sa mga magulang at lalong lalo na sa mga single mommies and daddies na kinaya lahat ng problema na dumating sa buhay nila ng mag-isa.
Kaya ikaw, batang noypi! Mag-isip muna ng sanlibong beses bago magdesisyon. Okay? :) Kaya mo yan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento