Kamusta na? Ang tagal na nung huli kita makita. Asan ka na ba? Minsan natatanong 'ko, gusto ba talaga kita makita? Baka kasi pag nakita kita, maramdaman ko pa din yung kaba pag lumalapit ka na. Yung nakakainlove mong mata. Tapos susulyapan mo lang ako. Gusto sana kita ngitian, kaso, baka isipin mo na papansin ako. Well, yun naman talaga ang gusto 'ko, ang mapansin mo.
Magda-dalawang taon na mula noon nung una kitang makita sa History I class naten. Napasulyap kasi ako nun sa likod, tapos nakita kita, tapos parang automatic na lumilingon na 'ko sa row mo, everytime na magka-klase na tayo.. Na-curious ako. Sino ba 'tong mukhang Amboy na tahimik na mukhang angel na lalaking 'to? Di ko alam kung paano 'ko malalaman pangalan mo, habang wala pa 'kong idea kung ano pangalan mo, pinangalanan muna kitang Ben.
Alam mo, sorry ha? Kasi napapadalas talaga ang tingin ko sa'yo nun.. Nagsisisi nga ako, ba't ba ako sa harapan umupo noon? Tuloy, nailang ka na. Obvious na obvious kasi ako e. Sorry, di ko mapigilan e.
Alam mo, noong magkaklase tayo, lagi kitang namimiss. Kasi, napakadalang mo lang pumasok. Siguro nga kasi maaga yung klase naten. Kahit din naman ako, tinatamad din, pero pinipilit ko, malakas kasi ang pag-asa ko na baka sipagin ka pumasok e.
Natapos ang semester na yun na di mo pa din ako pinapansin. Wala ka bang clue noon na crush kita? Siguro ang tingin mo lang sa'ken noon, nagpapansin lang ako. Kasi KSP ako. OO, parehas lang yun. Bakit ba nagiging KSP?
Second year, first semester, lucky sem yata. Kasi naging kaibigan namin yung mga tropa mo. So, parang kaibigan na din kita. We're in the same circle of friends kaya pag may mga plano, kasama ka, kasama din ako. So, nakikita na kita ng madalas kahit di na tayo magkaklase. Yes!
Mula noong naging friends tayo sa FB, bantay sarado sa'ken ang wall mo.. Ewan.. Bakit ba? Inlove na nga siguro ako. Tuliro kasi ako sa'yo e.
Kinakabahan ako pag ilang metro lang ang layo mo sa'ken. Para akong high school na di mapakali, ano ba dapat ko sabihin? Kung magjoke kaya 'ko matatawa ka kaya? Wag kang lilingon ha? Nakatingin kasi ako sa'yo e, di 'ko kasi kayang tignan ka ng malapitan o harapan. Wag kang matawa kung salita ako ng salita pag andyan ka na, kasi yun lang paraan 'ko para maitago ang kaba. Tapos gustong gusto kitang suportahan sa pangarap mong magka-banda. Kaso, paano? Di mo din naman ako pinapansin.
Noong chinat mo 'ko sa FB, kulang nalang magtatalon ako sa tuwa! Daig ko pa nanalo sa lotto, kahit na alam kong wala ka lang talaga makausap noon, tanong nga ko ng tanong, pilit ko pa ngang pinapahaba yung usapan naten, baka kasi sa susunod hindi mo na 'ko i-chat. Hindi mo na nga 'ko chinat.
Ang saya 'ko nung nakuha 'ko yung number mo. Kaso ilang beses na kitang tinext, di ka nagrereply. Tapos nakita 'ko, katext mo yung friend 'ko, ayy, may load ka pala. Nagulat nga 'ko noong araw na may balak pala kayong lumabas ng friend 'ko, tapos saktong hawak 'ko yung phone nya.. Nakita 'kong tumatawag ka. Ang hirap kasing paniwalaan na hindi ikaw yun, kasi number mo yun e.
Alam mo, ang sakit noong nakita kitang hinatid mo yung friend 'ko. Nagtago nga 'ko e. Nahihiya kasi ako. Baka makita nyo 'ko, masira pa gabi nyo. Ang sakit din, kasi sobrang bagay kayo. Nalaman 'ko nalang na nililigawan mo na pala siya.. Tapos gabi gabi mo pa syang tinatawagan. Tapos lagi din kayong magka-chat! Ang swerte naman niya..
Sino ba naman ako para sumama ang loob? Masakit lang, kasi alam ng friend 'ko, na gustong gusto kita.. Tinutukso pa nga nila ako pag nagpopost ako sa bed 'ko ng pangalan mo e. Siguro, ayaw nya din akong masaktan kaya din niya sinabi na may namamagitan sa inyo. Namamalayan 'ko na lang na umiiyak na pala ako. Nagtatanong ako sa Diyos, bakit po sobrang sakit? Minsan gusto kitang tanungin, bakit mo 'ko sinasaktan? Pero alam 'ko, ayaw mo din naman makasakit.
Nahalata mo na siguro na nasaktan ako, kasi nag-e-emo ako sa Facebook. Di mo naman ako masisisi e. Lalo na noong chinat mo 'ko ulit only to find out na nilalakad mo ako sa tropa mo, at pilit mo pa 'kong tinutukso sa kanya. Wala naman akong magagawa kundi sakayan ka nalang, doon ka masaya e.
Isang araw, nalaman 'ko na parang wala na pala kayo ng friend 'ko, di 'ko alam ang dahilan, ayoko din namang magtanong.. Pero mukhang nalungkot ka din noon.
Alam mo, lagi 'ko winiwish na sana, ako na lang siya.. Sana ako na lang yung mahal mo.. Sana ako na lang yung babae na piliin mong mahalin ka, kasi ako, hindi kita sasaktan, ni hindi 'ko iisiping saktan ka.. Kasi mahal kita e.
Ilang araw ka din naging nalungkot sa nangyari sa inyo.. Halata naman. Pero bakit ganun? Bigla mo na lang ako chinat sa FB at sinabing gusto mo 'ko..
Ha? Totoo 'to? Talaga! Ang saya naman! Wow. Pero nagulat pa din ako sa sarili 'ko, bakit sa bandang huli ay nasaktan at napikon ako. Magician ka pa din talaga.. Napapasaya mo pa din ako, kahit na alam 'kong niloloko mo lang ako..
Sorry, pero alam 'ko tama ang desisyon 'ko na wag maniwala sa mga sinabi mo.. Ayoko na kasi madagdagan yung sakit na pinadama mo sa'ken. Tama na siguro na humanga, nagpakatanga, nag-offer pero ni-reject at nagbulag bulagan ako sa'yo.
Di 'ko hinihiling na makita pa kita ulit. Di ko pa din kayang pigilan ang mangilan ngilang patak ng luha pag naiisip kita at yung mga nangyari.. Kasi, sobrang mahalaga ka pa din sa'ken.. Siguro may frustrations pa din ako na gusto ko pa ding ipaalam sa'yo yun.
Pero kahit na ano mangyari, salamat pa din Ben. Kasi nalaman 'ko na hindi lang yung taong di nararamdaman lahat ng efforts at pagmamahal na binibigay mo ang matatawag na manhid. Manhid din pala yung sinasaktan ka na nga, di mo pa makita, o ayaw mo lang talaga tignan.
Kung mabasa mo man 'to, at alam mo naman sa sarili mo na ikaw si Ben, sorry. Ayan na, nasabi 'ko na lahat.
Truly yours,

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento